Kakabili ko lang ng MacBookPro naglabas nanaman kayo ng bago?

Nakakainis talaga tong apple.

Ang tagal ko na pinagnanasahan yung 17″ na i7 na macbookpro, at sa wakas two months ago nakabili nako tapos ngayon naglabas sila ng bago.

Mas payat, mas magaan, mas mura, mas maganda yung resolution.

Normally wala akong pakiilam kung naglabas sila ng bago kasi hindi naman ako pa cool na anak mayaman na kapag may nakitang bago ang apple bibilhin na nila kasi wala lang. cool lang. hindi  naman nila kailangan, kaya lang nila bumili. Eh ako kailangan ko, pang trabaho.

Ang nakakairita sa 17″ is ang bigat niya. Para siyang baby na mataba. Dagdagan mo pa ng mga terrabyte na hard drive at kung ano ano pang cables, at maglakad lakad patungo sa kung asan man yung cliente o project mo and voila! instant workout!

Ang bilis pa magasgas, hindi lang naman to sa 17″, sa lahat ng aluminum na unibody. So kailangan pagkabili mo pa lang may case ka na agad or bag. Ang problema is, madalang ang case ng 17″. meron naman kaso dadalawa kulay, yung isa nga lang itim. Lahat nalang itim. Pati bag itim. Wala man lang blue o green o kahit na pink.

Although, may perks din naman tong 17″. mas malaki screen niya, although hindi sya  2880 by 1800 pixels. and may firewire 800 pa din sya, meron kais mga iba mga drive nila naka 800 pa din na firwire, although may thunderbolt na din to.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: